VICTOR B. TAGOS:  PROFILE 

Victor is currently finishing his undergraduate degree in Philosopyhy at the U.P. in Diliman. He was part of the 23rd U.P. National Writers' Workshop in 1995.  
 

"PAGHIHINTAY" 
 
Dumadalas ang pagsulyap sa relo 
Habang bumibilis ang pagsusulsi 
Sa nisnis na polo. 
Walang tunog ang sigawan 
sa programa sa radyo 
habang nakabibingi ang 
angila't tahulan ng mga aso. 
Dumugo ang hintuturong 
naduro ng karayom 
nang ang nakahilatang pusa sa bintana 
ay tumayo upang makipaglaro 
sa itim na paroparo. 
Kasabay ng malakas na katok sa pinto, 
bumilis ang kalabog ng puso. 
   
 
MAIN
NEXT